gusto ko kasi mag-teacher. alam nyo yun, diba magtuturo ako ng mga bata ng mga dapat nilang malaman. tulad na lang ng ABC's. :)
(from: a1websolution.com)
pero sana talaga makuha ko kung ano ang gusto ko, syempre hindi agad agad pero yun talaga gusto ko eh, na magturo ng mga special children.
Ang tanong, kaya ko kaya?
Alam ko mahirap maging teacher. lalo naman siguro kung SpEd pa ko. pero yun talaga ang gusto ko. buo na talaga ang loob ko dun. yun nga lang kung kelan nakapagdesisyun na ko, dun ko malalaman na wala pala ang course na yun sa university na gusto ko.
ngayon tuloy hindi ko alam kung saang university ako papasok.
Simula kasi nung 3rd year high school ako gusto ko na to. ewan ko ba bakit na antig ang puso ko dito. sa tingin ko naman ay makakaya ko ito. lalo na ngayong 4th year ako, may experience din ako sa pagtuturo ng special child. sa school kasi namin, may isang bata na ganun yung kalagayan. pag nakikita ko siya, parang pinaghalong saya at lungkot. kasi naman mahirap kasi syempre, iba ang kalinga at pag-uunawa na kailangan nila sa ibang mga bata.
Ang hirap pala mag decide pag malapit ka ng gumraduate noh? Hindi mo alam kung anu talaga ang course mo at kung saan ka mag aaral. Pero syempre hindi pa rin ako nawawalan ng pag -asa noh.. ako pa, kaya ko toh!! :")

Ikr. Mahirap talaga magdecide. Mahirap maging fourth yr! Pero kaya yan!
ReplyDeleteAnonymous:
ReplyDeletetrue, tska masaya! :)